Sa Ibang Bayan

Maraming dumating

Iba iba ng layunin

Ngunit iisa ang simula

Mangarap nang gising

Dala ang gitara

Panay ang tipa

Mga letra bibigyang buhay

Sa musikang hatid nang lumang kanta

Masaya ang Pasko kung kasama kayo

Kahit alam ko na ito ay malabo

Lungkot ang bumabalot dito sa ibayo

Kumukutitap na puno

Ng ibat ibang kulay na ilaw.


Kong iyong iniisip

Ang pera ay pinapala or pinipiko

Dito sa bansang di ko saulado

Ipon ko ay sangkaterbang resibo

Habang paa ko ay nakabitin sa hukay

Ng pangarap na pilit kong binubuo

Habang kalahati nang pamilya ay yumao

Kung sila ay humiling parang ako’y

May ari nang tindahan

Pabili nito, pahingi nire

Minsan tinanong ko ang aking sarili

Ikaw ba ay banko O tao

Maalala lang tuwing sweldo

Kaligayahan nila ay naumid

Pagkat sweldo ay di dumating sa tamang oras

Sa aking kamay nabibilang

Salitang kumusta, mag ingat ka dyan.


Kumusta! Katagang bibigyan ka nang saya

Yayakapin ka nang pagkalinga

Nagbibigay nang lakas

Nagpapatatag sa hamon nang buhay

Na tila ba kahapon lamang

Sa bilis nang oras

Ang humigit kumulang 

Dekada na pakikibaka 

Sa ibang bansa.


- Lora Jane Arugay

HOME